Kathryn’s PoV
Okay, sensitive na kung sensitive. OA na ako kung OA. Pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nakakadama ng ganto. Ngayon na lang ulit ako nakaiyak ng ganito, except nung namatay ang daddy ko.
Yung iyak ko ngayon, hindi naman yung parang namatayan. Wala, tumutulo lang yung mga luha ko. Pero alam mo yung sobrang umiiyak?
yung puso kong lubusang nasaktan.
Asdfghjkl. Hindi ko talaga alam mga pinagsasasabi ko. Siguro nga, inlove na ako kay Daniel John Ford Padilla.
“Huhuhuhuhu.” oo, umiiyak na talaga ako. Aisshh, I hate this feeling.
“K-Kath??!!” OH MY GOD. Si Dj nandito? Seryoso? Hala. Baka narinig niya yung mga sinabi ko kanina!! Yung pakikipag-usap ko kay Ella!! Baka akalain niyang nababaliw na ako kasi kinakausap ko a ng isang teddybear!!!
…..

